INTERNATIONAL: Charles III, Pormal na Iprinoklama Bilang Hari ng Britain
Pormal na iprinoklama si Charles III ng Britain bilang hari sa Accession Council sa St James’s Palace ng London noong Sabado.
Ang kaganapan ay ipinalabas sa telebisyon sa unang pagkakataon sa kasaysayan at milyon-milyong Brits ang nakatutok upang panoorin ang new monarch’s proclamation.
Ang seremonya ay dinaluhan din ng anak ng hari na si Prince William.
Ang Accession Council ay isang grupo na binuo ng Privy Counsellors, Great Officers of State, the Lord Mayor of London, Realm High Commissioners at senior civil servants, na nagpupulong pagkatapos ng pagkamatay ng isang monarch.
Si Queen Elizabeth II, ang ina ni Charles at ang pinakamatagal na monarko ng UK, ay namatay noong Huwebes sa edad na 96 pagkatapos ng 70 taon sa trono.
Sa pagsasalita tungkol sa kanyang “minamahal na ina,” sinabi ng hari na siya ay “nagbigay ng halimbawa ng habambuhay na pagmamahal at ng selfless service.”
“The whole world sympathizes with me in the irreparable loss we’ve all suffered,” sabi ni Charles.
“My mother’s reign was unequalled in its duration, dedication and devotion. Even as we grieve, we give thanks for this most faithful life. I am deeply aware of this deep inheritance and of the grave duties and responsibilities which are now passed to me.”