International

INTERNATIONAL: Chinese President Xi, Pinatibay ang Kapangyarihan sa Ikatlong Termino

Pinatibay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang hawak sa kapangyarihan sa pag-anunsyo ng Communist Party ng bansa ng new core leadership nito.

Makakakuha si Xi ng unprecedented third term bilang General Secretary ng partido. At itinaguyod niya ang kanyang close allies sa iba pang nangungunang posisyon sa susunod na limang taon.

Inihayag ng partido ang pitong miyembro ng makapangyarihang Politburo Standing Committee nitong Linggo. Sa tuktok ng listahan ay si Pangulong Xi.

Apat na miyembro ng committee ang bago, at pinili ni Xi na magtalaga ng mga subordinate na nagtrabaho sa ilalim niya noon.

Nagsalita siya tungkol sa tinatawag niyang “rejuvenation” ng China.

Sinabi ni Xi, “On our new journey, we should always keep our spirits high, so we can push forward with building a modern socialist country.”

Walang malinaw na kahalili kay Xi sa loob ng top decision-making body.

Sinabi ng mga analyst na ang mga appointment ay isang senyales na sinusubukan ni Xi na alisin ang kanyang mga karibal sa pulitika.

Ang second-ranking official ng Tsina, si Premyer Li Keqiang, ay kabilang sa mga tinanggal sa pamunuan.

Si Vice-Premier Hu Chunhua, na itinuring na isang potential future leader ng China, ay bumaba rin bilang isang party executive. Malapit siya kay Li at gayundin sa former President Hu Jintao ng bansa.

To Top