International

INTERNATIONAL: Damascus Airport, Inatake ng Israel, Limang Sundalo ang Napatay

Nagsagawa ng airstrike ang Israel sa Damascus International airport ng Syria at iba pang posisyon sa south of the capital, na ikinamatay ng limang sundalo at nagdulot ng material damages, sinabi ng ministry of defense nitong Sabado.

Hinarang ng Syrian air defenses ang pag-atake at nagawang ibagsak ang karamihan sa mga missile, ayon sa pahayag ng ministry.

Walang immediate confirmation kung ang strike ay nakaapekto sa mga operasyon sa paliparan.

Pinaigting ng Israel ang mga strike sa mga paliparan ng Syria upang ma-disrupt ang pagtaas ng paggamit ng Tehran ng mga aerial supply lines upang maghatid ng mga armas sa mga kaalyado sa Syria at Lebanon kabilang ang Hezbollah, sinabi ng diplomatic and intelligence sources sa Reuters.

Ang Tehran ay nagpatibay ng air transport bilang isang mas reliable means of ferrying military equipment sa mga forces at allied fighters sa Syria, kasunod ng mga disruption sa ground transfers.

To Top