Accident

INTERNATIONAL: Mahigit 280 Patay, 800 Nasugatan sa Train Crash sa Eastern India

Mahigit 280 katao ang namatay at humigit-kumulang 800 iba pa ang nasugatan sa isang aksidente na kinasasangkutan ng maraming tren sa eastern India noong Biyernes ng gabi, na ginawa itong isa sa worst rail disasters sa kasaysayan ng bansa, sinabi ng lokal na media.

Maraming pampasaherong sasakyan ang nabaligtad matapos madiskaril ang isang tren at tumakbo sa katabing riles bago bumangga sa kahit isa pang tren. Ang crash site ay humigit-kumulang 200 kilometro sa northeast ng Bhubaneswar, ang kabisera ng estado ng Odisha.

Dumating ang pag-crash sa panahon kung kailan nagsusulong ang India na gawing moderno ang mga railway system nito at i-improve ang mga transport link sa gitna ng pambabatikos ng publiko sa tumatandang imprastraktura ng bansa.

Ang bilang ng mga taong naiulat na namatay o nasugatan mula sa insidente ay maaaring tumaas dahil mayroon pa ring mga tao na hindi pa nakikilala, ayon sa mga ulat na binanggit ang mga lokal na awtoridad noong Sabado.

Sinabi ni Punong Ministro Narendra Modi sa Twitter na siya ay nababagabag sa aksidente.

“Rescue ops are underway at the site of the mishap and all possible assistance is being given to those affected,”
isinulat niya.

Si Modi, na bumisita sa lugar ng aksidente noong Sabado, ay nagsabi nang hiwalay sa isang pahayag na “mahigpit na aksyon ang gagawin” laban sa mga napatunayang responsable sa sanhi ng pag-crash.

Sa Tokyo, ipinarating ng Japanese Prime Ministe na si Fumio Kishida ang kanyang pakikiramay sa isang mensahe na hinarap kay Modi, na nagsasabing siya ay “labis na nalulungkot sa balita ng pagkawala ng maraming mahalagang buhay.”

To Top