International

INTERNATIONAL: Mga Protesta Laban sa mga COVID Measure ng China, Nagkalat sa Shanghai

Sinabi ng gobyerno ng China na ang bilang ng mga new COVID cases ay umabot sa humigit-kumulang 38,000 noong Sabado, na tumama sa new record para sa fourth consecutive day at nanguna sa 4,000 sa kabisera ng Beijing sa unang pagkakataon.

Ang mga protesta laban sa restrictive zero-COVID policy ng gobyerno ay naganap sa Beijing at iba pang lungsod ng China.

Ang mga video ng mga tao sa Shanghai na umaawit ng “We do not want PCR tests” ay nai-post online.

Ang galit ng publiko ay pinasimulan ng isang bulung-bulungan na ang mga taong namatay sa sunog sa Urumqi, ang gitnang lungsod ng rehiyon ng Xinjiang, noong Huwebes ay hindi makatakas sa oras dahil ang kanilang high-rise apartment building ay partially locked down.

Ang footage ng news agency ng Reuters ay nagpapakita ng mga taong nagtitipon sa Wulumuqi Road ng Shanghai — na pinangalanan sa Urumqi — upang magluksa sa 10 biktima.

Ang mga nagprotesta ay may hawak na mga karatula na nagsasabing, “Rise up, those who refuse to be slaves” — isang linya mula sa pambansang awit ng China.

To Top