INTERNATIONAL: Mga Rescuer, Nagsusumikap na Mahanap ang mga Survivor ng Lindol, Bilang ng mga Namatay nasa Mahigit 17,000 na
Ang mga rescue team sa Turkey at Syria ay nagsusumikap pa rin upang makahanap ng mga survivor sa mga guho ng mapangwasak na lindol ngayong linggo. Ngunit ang bilang ng mga namamatay ay patuloy na lumalaki. At ang leader ng Turkey ay galit sa inadequate response ng bansa sa kalamidad.
Ang stories of survival ay umuusbong pa rin three days pagkatapos ng unang lindol. Inilabas ng mga rescuer ang isang sanggol mula sa mga labi ng gumuhong gusali noong Miyerkules. Ang mga ulat ng media ay nagsasabi na ang bata ay hindi seryosong nasaktan.
Sinabi nila na natagpuan din ng mga rescuer ang apat na pamilya na buhay sa pagkawasak sa ibang lugar sa bansa.
Pinatag ng mga lindol ang mga gusali sa malawak na bahagi ng Turkey at Syria. Mahigit 17,000 katao ang kumpirmadong namatay.
Sinabi ng UN na halos sampung milyong tao sa Syria ang naapektuhan. Iyon ay humigit-kumulang kalahati ng populasyon ng bansa, na nagdusa sa higit sa isang dekada ng civil war.
Sinasabi ng UN na nahihirapan itong maghatid ng tulong.
Sinabi ni El-Mostafa Benlamlih, UN Resident and Humanitarian Coordinator for Syria, “Whatever we can do, we have to do it together, driven by the humanitarian needs. And we just hope that the political considerations and so on will get out of the way and let us do our work.”
Ang mga lindol ay nakakaapekto rin sa mga Syrian refugee. Ang ilan sa mga namatay sa Turkey ay tumakas sa digmaan. Ang iba pang nakaligtas ay nasa mas desperado pang sitwasyon ngayon.
Sinabi ng isang lalaking taga-Syria, “We have no hope. We lost everything when we fled Syria. And now we’ve lost it all again…no home and no jobs.”
Samantala, ang presidente ng Turkey ay nahaharap sa matinding batikos sa mabagal na pagtugon ng gobyerno sa lindol. Sa isang pagbisita sa disaster zone, kinilala ni Recep Tayyip Erdogan na nagkaroon ng mga problema.
Marami ang nagreklamo na mabagal dumating ang mga rescuer at kulang sa equipment, support at expertise.