INTERNATIONAL: Militar ng China, Patuloy ang Drills sa Paligid ng Taiwan
Ang Eastern Theater Command ng Chinese military, na sumasaklaw sa East China Sea, ay nag-anunsyo nitong Martes na ang exercises ay isinasagawa sa mga karagatan at himpapawid mula sa Taiwan.
Sinabi nito na isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga drills ay ang blockading sa Taiwan, ngunit wala itong ibinigay na mga detalye.
Una nang sinabi ng militar ng China na magsasagawa ito ng mga drills hanggang Agosto 7 bilang tugon sa pagbisita sa Taiwan ni US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi.
Sinasabi ng mga tagamasid na maaaring umaasa ang Beijing na gamitin ang pagbisita ni Pelosi bilang isang dahilan upang epektibong mapawalang-bisa ang median line at mapanatili ang constant military pressure sa Taiwan.