Crime

INTERNATIONAL: Pamamaril na Naganap sa Paaralan sa Texas, Nag-iwan ng 21 Katao ang Nasawi

Labinsiyam na estudyante at dalawa pang tao ang nasawi sa mass shooting sa isang elementarya sa US state of Texas.

Sinabi ng mga lokal na awtoridad na ang suspek ay isang 18-anyos na high school student. Pinaniniwalaang binaril siya ng mga pulis sa pinangyarihan.

Ang insidente ay naganap bandang tanghali noong Martes sa lungsod ng Uvalde.

Sinabi ni Texas Gobernador Greg Abbott, “Ang nangyari sa Uvalde ay isang kakila-kilabot na trahedya na hindi pwedeng i-tolerate.”

Iniimbestigahan ng pulisya ang karagdagang detalye, kabilang ang motibo ng suspek.
Ang insidente ang pinakabago sa serye ng mass shootings sa United States ngayong buwan.

Noong Mayo 14, isang white gunman ang pumatay ng 10 katao sa isang supermarket sa Buffalo, New York. Labing-isa sa 13 kataong binaril ay Itim. Nakasuot ng video camera ang suspek at nag-livestream ng pag-atake.

Ang US Justice Department ay nag-iimbestiga sa insidente bilang isang racially motivated hate crime.

Noong Mayo 15, pinaputukan ng baril ang isang simbahan sa California na sikat sa mga residente ng Taiwan. Isang tao ang namatay at limang iba pa ang nasugatan.

Naniniwala ang mga awtoridad sa imbestigasyon na kumilos ang suspek dahil sa galit sa tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

To Top