INTERNATIONAL: Presidente ng Sri Lanka, Nagbitiw sa Pwesto ayon sa Parliament Speaker
Bumaba sa pwesto si Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa matapos tumakas patungong Singapore sa harap ng mga malawakang protesta, sinabi ng parliament speaker ng bansa nitong Biyernes.
Sinabi ng tagapagsalita na si Mahinda Yapa Abeywardana, na tinanggap niya ang pagbibitiw ni Rajapaksa, sa gitna ng pinakamalalang krisis sa ekonomiya ng bansa since independence. Ang lokal na media ay nag-ulat noong Huwebes na si Rajapaksa ay nagsumite ng kanyang resignation letter sa tagapagsalita sa pamamagitan ng Sri Lankan Embassy sa Singapore.
Dumating sa Singapore noong Huwebes ang embattled leader, isang araw pagkatapos niyang umalis ng Sri Lanka patungong Maldives sakay ng isang military plane kasunod ng mga protesta sa kanyang opisyal na tirahan sa Colombo. Ang mga nagprotesta ay umatras nitong Biyernes.
Ang pagbibitiw ni Rajapaksa ay nagbibigay daan para sa isang bagong pangulo na mahalal. Ang Punong Ministro na si Ranil Wickramasing, isang kaalyado ng Rajapaksa, ay kasalukuyang naglilingkod bilang acting president of the island nation ng 22 milyong katao.