International

INTERNATIONAL: Russia, Binalaan ang Moldova sa Pakikipagtulungan sa NATO

Isang senior diplomat ng Russia ang nagbabala sa Moldova na ang closer military cooperation ng bansa sa Kanluran ay maaaring humantong sa sakuna.

Ang Deputy Foreign Minister ng Russia na si Mikhail Galuzin ay nagsalita tungkol sa Moldova, isang kapitbahay ng Ukraine, sa isang pakikipanayam sa isang Russian state media na inilabas noong Sabado. Siya ang namamahala sa mga relasyon sa Commonwealth of Independent States, o CIS.

Sinabi ni Galuzin na ang mas malapit na pakikipagtulungan ng Moldova sa NATO ay hindi nagdaragdag sa seguridad nito, bagkus ay naglalapit dito sa sakuna.

Sinabi rin niya na ang malungkot na karanasan ng Ukraine ay dapat na malinaw na nakikita mula sa Moldova.

Nauna rito, sinabi ng pinuno ng Moldovan intelligence agency sa lokal na media na maaaring salakayin ng Russia ang bansa sa unang bahagi ng susunod na taon.

Ang pro-Russian breakaway na rehiyon ng Transdniestria sa Moldova ay unilateral na nagdeklara ng independence at nagho-host ng mga Russian force.

Ang pamahalaan ng Moldova sa ilalim ni Pangulong Maia Sandu ay patuloy na nagbabantay sa mga galaw ng militar ng Russia.

To Top