INTERNATIONAL: Russia: Tinamaan ng mga Missile ang Ukrainian Military Facilities
Nagbabala ang Russia laban sa Western military support para sa Ukraine. Sinasabi nito na sinira ang mga Ukrainian military target kabilang ang isang rocket launcher system na ibinigay ng United States.
Sinabi ng defense ministry ng Russia noong Linggo na natamaan nito ang isang High Mobility Artillery Rocket System sa eastern region ng Donetsk.
Sinabi rin nito na sinira ng mga missiles nito ang isang depot sa southern Ukrainian city of Odesa para sa Harpoon anti-ship missiles na ibinibigay ng mga bansang NATO.
Ang pinakabagong serye ng mga strike ay sumunod sa utos ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu para sa militar na dagdagan ang mga operasyon sa Ukraine.
Pinaniniwalaang inaayos ng Russia ang mga pwersang militar nito bilang paghahanda sa susunod na full-scale ground offensive. Ang hakbang ay matapos ang deklarasyon nitong Hulyo 3 na kinuha nito ang buong kontrol sa eastern region ng Luhansk.
Ang Institute for the Study of War, isang think tank ng US, ay nagsasabing malamang na tatapusin ng Russian forces ang kanilang operational pause.
Naniniwala ang mga analyst na malamang na muling patindihin ng Russia ang mga pag-atake sa lupa upang kontrolin ang rehiyon ng Donetsk.
Samantala, idinaos ang libing para sa isang 4 na taong gulang na batang babae sa western city of Vinnytsia. Si Liza Dmytrieva ay biktima ng isang missile strike ng Russia na ikinamatay ng kabuuang 24 katao noong Huwebes.
Sinabi ng isang babae na nasa edad na 20, “It was caused by Russia. I am full of despair and suffering. I’m at a loss for words.”
Natagpuan ang bangkay ni Liza sa mga debris sa tabi ng isang pram. Wala pang 2 oras bago ang pag-atake, ang kanyang ina ay nag-post ng mga larawan ng kanyang pagtulak sa parehong pram.