International

INTERNATIONAL: Russian Officials, Nag-react sa Pagpapalabas ng ICC ng Warrant of Arrest para kay Putin

Tinitimbang ng mga opisyal ng Russia ang pagpapalabas ng warrant of arrest para kay Pangulong Vladimir Putin ng International Criminal Court on suspicion sa war crimes. Sinasabi ng korte na may mga reasonable ground upang maniwala na si Putin ay may pananagutan para sa unlawful deportation at paglipat ng mga bata mula sa mga sinasakop na lugar ng Ukraine patungo sa Russia.

Sinabi ni Russian Lower House Speaker Vyacheslav Volodin noong Sabado na ang mga pagbabago sa batas ay kailangan para ipagbawal ang anumang aktibidad ng ICC sa teritoryo ng Russia.

Sinabi ng Security Council deputy chair na si Dmitry Medvedev na kung ang Russian leader ay inaresto sa ibang bansa, halimbawa sa Germany, ito ay isang deklarasyon ng digmaan sa Russia, na isang nuclear state.

Mahigit sa 120 states parties sa Rome Statute ng ICC ay obligado na ngayong pigilan si Putin kung siya ay tumuntong sa kanilang teritoryo. Na maaaring makahadlang sa diplomatic activities ni Putin.

Five emerging economies — Brazil, Russia, India, China at South Africa — ang nakatakdang magdaos ng summit sa Agosto sa South Africa, na isang state party to the ICC statute.

Sinabi ng tagapagsalita ng Kremlin na si Dmitry Peskov noong Biyernes na hindi pa napagpasyahan kung dadalo si Putin sa BRICS summit.

To Top