INTERNATIONAL: Xi Jinping, Inihalal na Pangulo sa Ikatlong Pagkakataon
Nasungkit ni Xi Jinping ang ikatlong termino bilang pangulo ng China matapos muling mahalal sa 14th National People’s Congress noong Biyernes.
Si Xi ay nahalal sa unang General Assembly ng Kongreso sa kabisera ng Beijing sa pamamagitan ng nagkakaisang boto kung saan siya lamang ang kandidato.
Si Han Zheng ay nahalal na bise presidente ng China habang si Zhao Leji ay nahalal na chairman ng ika-14 na National People’s Congress Standing Committee ng China.
Nahalal bilang pangulo noong 2013 at 2018 at nagsilbi nang 10 taon, muling nahalal si Xi sa loob ng limang taong termino, na naging first leader sa kasaysayan ng People’s Republic of China na humawak sa pagkapangulo sa ikatlong pagkakataon.
Si Xi ay magsisilbi rin bilang chairman ng Central Military Commission.
Noong 2018, ipinasa ng mga mambabatas ng China ang isang constitutional amendment na nag-aalis ng presidential two-term limit na nagbigay-daan kay Xi na mamuno nang walang katapusan.