Culture

Introduction to Japanese Horror Films

japanese horror films

Ang mga Japanese horror films ay isa sa pinakamakatotohanang palabas na hindi maaaring palagpasin ng  sinuman na mahilig sa ganitong genre ng pelikula. Makatotohanan ang mga horror films sa Japan dahil sa mga props hanggang sa mga karakter na pinili upang gampanan ang isang makabuluhang papel na lalo pang pinaganda  ng mga sound effects na talaga namang makapanindig balahibo kung matimtimang pag-aaralan at susuriin.

Sa paniwala ng mga mananaliksik, ito ay bahagi ng Japanese culture, upang ang bawat tao ay mabigyan ng pagkakataon  na makaalam ng mga mas malalalim pang mga bagay bagay ukol dito.  Sa pagsapit ng 1960’s, ang mga ganitong uri ng pelikula ay nakaakit sa psyche ng mga Hapones.  Karamihan sa mga obrang ito ay mga crime thrillers, tulad na lamang “Ichi the Killer (2001).”

Aspects of Japanese Horror Films

Mahalaga rin na aspeto ng Japanese horror films ang iba pang mga katangian tulad ng mga sumsumunod: frantic music, sudden violence at ang tinatawag na grotesque torture. Samantala, ang klase ng pagpapahirap na ito sa isang eksena ay hindi lubusang nakaaapekto sa  lalim ng human psyche. Gayun din, ating dapat na malaman na ang mga ganitong pelikula ay salig sa mga takot o karanasan ng  isang tao. Kabilang na dito ang anxiety, kamatayan at ang walang hanggang pagmamahalan.

Audition Process and Film Atmosphere

Hindi maaaring matapos ang ganitong uri ng sining kung walang audition process upang mas makilala ang bawat karakter, talento at bigat ng papel na gagampanan ng mapipiling kalahok. Ito ay tumatagal  lamang ng 45 minuto. Sa usapin naman ng film atmosphere, ang horror films ng Japan ay nangangailangan ng cawing  of crows, white photography at iba pa. Gumagamit din  ang mga prodyusers at direktor ng mga  wide-angled lenses dahil ito ay nakapagdudulot ng claustrophobic intensity tulad na lang halimbawa ng pelikulang “Freezer.”

Bilang pagtatapos ng artikulong ito, ang poetic beauty ng isang magandang Japanese horror film ay hindi dapat ipagwalang bahala. Dahil dito, ang bawat eksena ay nagiging kaabang abang at kahindik-hindik. Ang close up at clarity of shots at ang magagandang pagsasama ng  mga eksenang nakakatakot ay isa sa mga basic foundations ng award-winning Japanese horror films.

Image credit: impawards.com

To Top