News

Isang babae binuhusan ng gas at sinindihan

Ang biktima ay isang Filipina age 36 years old at taga Ibaraki Ken. Ang suspect ay ang kanyang 52 years old partner na Iran jin.

Nangyari ang insidente noong November 11 bandang alas 3 ng hapon sa isang family restaurant sa loob ng JR Tsuchiura Station.

Ayon sa mga saksi, nakitang may ibinuhos ang suspek na isang likido sa biktima at sa muli nilang pagtingin ay nakita na nasusunog na ito, agad namang napatay ang apoy, subalit ang biktima na Pinay ay nasa kritikal na kondisyon at namatay naman ang Iran jin na suspect dahil sa tindi ng natamo nitong pagkasunog.

Batay sa imbistigasyon ng mga pulis, noong nakaraang buwan nag-aaway umano ang dalawa dahil ayaw ipakita ng Pinay ang kanilang anak sa kanyang tatay at dahil doon nag bitiw ng salita ang Iranjin na kung hindi nya ipapakita ang anak sakanya ay mas mabuti pang patayin nya nalang ito, at dahil sa domestic dispute na ito pinayuhan na sila ng pulis na huwag makipagkita sa isa’t-isa.

Iniibistigahan pa din ng mga pulis ang lahat ng angulo tungkol sa attempted murder na ito.

To Top