Isang babae sa Osaka muling nagpositibo sa NCOV matapos makarecover
Isang haponesa ang muling nagpositibo sa new corona virus matapos makarecover at makalabas ng ospital.
Ito ang kauna-unahang kaso na ang isang nakarecover na pasyente ay muling nagpositibo sa virus matapos gamutin, ayon sa isang opisyal sa Osaka.
Ang babae ay nasa edad 40’s at unang nakumpirmang positibo sa coronavirus noong January 29. Siya ay isang tour guide sa isang bus lulan ng mga turistang nagmula sa Wuhan. Lugar kung saan nagkaroon ng kaun-unahang outbreak sa virus. Kumpirmadong positibo rin sa virus ang bus driver.
Nakalabas ng ospital ang babae matapos magnegatibo sa isinagawang test noong February 6 kahit na mayroon pa syang ubo nung araw na iyon.
Matapos ang 1 linggo walang sintomas na nakitaan sa babae ngunit bumalik ito sa doktor noong Feb. 21 dahil umano sa sore throat at paninikip ng dibdib.
Nitong Miyerkules Feb. 26 nakumpirmang positibo ulit ang babae sa virus sa ikalawang pagkakataon, ayon sa isang opisyal.
Nasa humigit kumulang 200 na ang nahawahan sa bansa, 4 naman ang kumpirmadong namatay.
Bukod sa mga kaso ng nahawahan sa domestic, nasa humigit kumulang 705 na katao naman ang nagpositibo sa mga cruise ship na nakaquarantine sa Japan.
Sobrang pahirap at stress ito sa gobyerno dahil sa mabilis at patuloy na pagkalat ng virus sa bansa kung kaya’t hiling ni Prime Minister Abe ay kooperasyon at pang-unawa ng lahat upang mapigil ang paglala ng kaso ng nahahawahan sa bansa.
Source: yahoo News