General

Isang babae sa tokyo nagpositibo sa tigdas (measles)

Machida city, Tokyo: Isang babae na nasa 30’s at kasalukuyang residente ng nabanggit na syudad ang nagpositibo sa Measles.  Pinaniniwalaang nahawa umano ang babae sa isang hospital na kung saan ay may pasyenteng nagmula sa okinawa kung saan ay kalat ngayon ang tigdas.

Ayon naman sa report, noong Marso, isang lalaki na nagmula sa Taiwan at dumating sa Okinawa ang nagpositibo sa Measles at mabilis na kumalat umano ang nasabing sakit sa lugar.

Ang babae sa Machida na nasa edad 30 pataas ay naexamine lamang noong ika-8 ng Mayo, at isang pasyente lamang ang nagpositibo sa measles na naturang lugar simula noong Abril. Dahil mayroong mga bumibisitang kababaihan sa nasabing hospital. Pinaniniwalaan nilang maaring sa hospital na yun nahawa ang babae. Dahil sa kasong ito, nagbigay babala ang Pamunuan ng nasabing syudad na mag-ingat at ugaliing mag-mask sa matataong lugar o di kaya kung bibisita ng hospital dahil ang sakit na tigdas ay nakakahawa at maaring makuha mula sa hangin o hininga ng taong apektado nito. Upang mapigilan ang mabilisang pagkalat nito magpatingin na agad sa doktor kung may mga nararamdamang paunang sintomas ng pagkakaroon ng nasabing sakit.
Source: Asahi.co.jp

Isang babae sa tokyo nagpositibo sa tigdas (measles)
To Top