Crime

Isang car dealership sa Kasugai City, nanakawan sa loob lamang ng 1 minuto.

Ito ay isang video na kuha mula sa isang security camera sa isang opisina ng sang car dealership sa Kasugai City, Aichi Prefecture noong ika-8 ng buwan ng Nobyembre. Isang lalaki umano ang pumasok sa naturang opisina at nagmamasid masid habang pasilip-silip sa labas. Nang makita nito ang bag sa ibabaw ng lamesa , dali-daling lumapit dito ang suspek at kinuha mula sa bag ang wallet at mabilisang tumakas papalayo. Ayon sa biktima, ” Nandito ako dahil may mga kinakailangan pang gawin kung kaya’t lumabas ako. Pagbalik ko hindi ko pa alam na nawawala ang wallet ko sa bag. Nang suriin ko ang cctv footage nang araw ding iyon, nagulat ako sa nakita ko dahil may hindi kilalang lalaki ang pumasok sa opisina na siyang suspek sa pagnanakaw.” Sa mga oras na iyon, kaya nakabukas ang mga bintana at pinto ng opisina bilang pagsunod sa mga hakbang kontra coronavirus sa panahong ito ng pandemya. Dagdag pa ng biktima, ” Kaya ko binuksan ang mga pinto ay upang maiwasan ang impeksyon, upang pumasok ang bagong hangin at mawala ang kung anumang bakterya, kung kaya’t nililinisan ko ang shop nang dumating ang di ko kilalang lalaki at pumasok sa loob.” Ang suspek ay nakapagnakaw sa loob lamang ng isang minuto, at nakuha mula sa biktima ang cash na tinatayang nasa 200,000 yen at mga cash card. Nakapagfile na ng damage report ang biktima at iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing krimen.

Source: ANN NEWS

To Top