Arestado ang isang 33-anyos na babae dahil sa kumpirmadong pagbebenta umano ng class A imitation wallets ng isang Famous French luxury brand na “Christian Louboutin”.
Kinilala ang babae na si Eri Hayashi, isang full-time housewife, kumpirmadong nagbebenta umano sya online ng nasabing imitation wallets na kung saan 4 na pekeng wallet ang nakita sa kanyang tahanan sa Toshima Ward, Tokyo nang puntahan sya ng mga pulis noong ika-9 ng Mayo. Ayon sa Metropolitan Police Department, ang mga Class A imitation wallets ay posibleng binibili sa isang online marketing application at ibinebenta sa pamamagitan ng isang Internet Auction site. Nasa tinatayang 400,000points na or aabot ng mula sa 3 hanggang 5 milyong yen na ang kinita ni Hayashi sa loob ng 2 taon.
Ayon pa sa suspek, ang brand na Louboutin lamang ang ibinebenta nya, ayaw nya umanong umasa lamang sa kita ng asawa kung kaya’t upang magkaroon ng sariling income para pandagdag na rin sa gastusin sa bahay at mga bata ay ito ang naisipan nyang gawin.
Pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga online transactions at ireport ang mga ganitong insidente upang mapuksa ang paglaganap ng ilegal na pagbebenta ng mga pekeng items online.
https://www.youtube.com/watch?v=EBGjXiJWtcw
Source: ANN News