Crime

Isang inmate na nakatakas patuloy pa ring pinaghahanap

Isang preso nakatakas mula sa Ehime prefecture, ginamit sa kauna-unahang pagkakataon at magdamag na nagsearch operation ang isang helicopter na may infrared camera upang tugisin ang nakatakas na inmate.

Kinilala ang presong nakatakas na si Ryuma Hirao, 27-anyos. Nakatakas umano si Ryuma noong ika-8 ng abril nitong taon at pinaniniwalaang nagtatago sa Mukojima, Hiroshima Prefecture. Una ng kumilos ang mga kapulisan sa area at nagsagawa ng night-time search gamit ang Japan Coast Guard helicopter at sinuyod ang kagubatan sa paligid ng northern part ng isla. Nagdagdag na rin ng may umabot sa humigit-kumulang 13,000 katao ang patuloy na naghahanap magpasahanggang ngayon.

Source: ANN News

Isang inmate na nakatakas patuloy pa ring pinaghahanap
To Top