Sa isang marathon na ginanap noong Jan. 29 sa lungsod ng Ihara sa Okayama Ken, isang 33-year-old na lalaki ang natagpuan patay.
Natagpuan ng mga organizers ang lalaki sa loob ng gym, higit isang oras at kalahati ng matapos nito ang marathon. Ang gym ay nagsisilbing pahingahan at locker room para sa mga runners. Noong tinangka nilang gisingin ang lalaki ay wala na itong buhay. Hindi pa nalalaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay.
Para sa mga atleta, ang pinaka-delikado ay tuwing ang katawan ay biglaan malamigan. Aniya ni Doctor Nakahara: “kinakailangan mag warm-up muna bago tumakbo at kailangan mag cool down exercise pagkatapos tumakbo. Ang biglaang pag init at paglamig ng katawan ay maaaring maging sanhi ng cardiac arrest”.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=VyjGMihCp-s