Crime

Isang matandang babaeng haponesa, natagpuang PATAY sa kaniyang tirahan

Isang 82-anyos na matandang haponesa ang natagpuang patay sa kanyang tirahan sa Pilipinas, Iniimbestigahan ng mga PNP ang insidente at naniniwala silang murder ang naganap. Ayon sa mga awtoridad, bandang alas 8 ng umaga noong August 2, 2020, nakilala ang biktima na si Maezawa Reiko, magisang naninirahan sa kanyang tahanan, natagpuang wala ng buhay, nakatali ang mga kamay at paa gamit ang tela at may takip na tuwalya ang mukha. Nawawala rin umano ng ilang mahahalagang gamit ng biktima tulad ng cellphone, mga singsing at iba pa. Sa imbestigasyon ng mga pulis, maaaring tinangay ito ng salarin matapos patayin ang biktima. 2 Lalaki ang namataan umano sa pinangyarihan ng krimen sa araw na natagpuan ang wala ng buhay na labi ng biktima, sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang koneksyon sa krimen ng nasabing mga suspek.

Source: ANN NEWS

To Top