Isang pinay na nagtatrabaho bilang isang pub clerk ang nadawit sa , 4 na katao, kabilang ang isang korean national na inaresto ng Metropolitan Police department sa kasong paglabag raw hinggil sa pagpapakasal ng peke sa isang 70 anyos na japanese national na isa umano sa mga customer ng hindi na pinangalanang Philippine pub sa nagoya kamakailan.
Nasa kustodiya ng pulis ang clerk ng philippine pub na nakatira sa Nagoya city, isa sa 4 na suspek ang korean national na nakilala bilang si Lee Akihiro (45 anyos) ang syang itinuturong utak umano ng pekeng pagpapakasal. Buwan ng mayo noong nakaraang taon ng mag-alok si Lee ng pekeng kasal sa hapon sa pinay na sya ring clerk ng parehong Philippine pub para lamang magkaroon ng lehitimong status of residence sa Japan. Suspetsa ng mga awtoridad, maaring pinagtatrabaho umano ang pinay ng higit pa sa katumbas ng kanyang sahod kapalit ang pangakong magkakaroon ng residence visa . Lumabas sa interogasyon ng mga pulis na may mga kasunduan ang 2 at dahil na rin sa pagnanais na makasal at magkaroon ng lehitimong status residence, pumayag raw ang pinay sa alok ng suspek.
Paniniwala naman ng Metropolitan Police Department, maaaring ang hangarin ng suspek ay mapaganda pa lalo ang takbo ng kanyang negosyo at kumita ng malaki kung kaya’t hinikayat nya ang pinay sa ideyang sa pamamagitan ng pagpapakasal nito sa hapon.
Source: TBS new
You must be logged in to post a comment.