Accident

Isang Plastic waste Factory sa Noda City, Chiba Nilamon ng apoy

Nagkaroon ng sunog sa isang plastic waste factory sa Noda City, Chiba Prefecture. Bandang 6:30 am ngayong araw, nagumpisa ang sunog at makakapal na maitim na usok na nagmula sa isang plastic waste factory sa Noda City. Ayon sa mga pulis, kumalat ang apoy sa kalapit bahagi na mga factories dahil sa epekto ng lakas ng hangin at hanggang ngayon ay pilit pa ring inaapula ang apoy. Wala namang ulat na nasaktan o namatay sa sunog magpasahanggang-ngayon. May mga nakapalibot na paaralan sa paligid ng naturang factory at pinagsabihan ang lahat na wag na munang pumasok at manatili na muna sa kanilang mga tahanan.

 

Source: ANN News

To Top