News

Isang “public bath” nabiktima ng pekeng “lapad”

Isang staff member ng nasabing establishment ang nakadiskubre ng “counterfeit bill”. Ayon sa kanya, hindi raw mahahalatang peke ang nasabing pera dahil katulad na katulad umano ito ng totoong 1 lapad.

Ang Onsen Sachi no Yu ay isang hot spring facility sa Shibukawa, Gunma Prefecture, noong May 9,2018 napag-alaman ng nasabing establisyemento na nakatanggap sila ng isang pekeng “lapad” noong idedeposito na sa atm ng Kitakatta Credit Bank dahil ayaw tanggapin ng machine ang pera na nagmula sa kita nila noong nakaraang araw. May mga “watermarks” at iba pang pwedeng pagkakilanlan kung legit nga ba ang pera o hindi kaya napakaimposibleng hindi yun tanggapin ng atm machine kung iyon nga ay hindi peke kaya malaki ang posibilidad na peke nga ito. Kung papaano at saan nanggaling ay wala pa ding lead ang mga pulis magpasahanggang ngayon.

Sa shibukawa-shi, isang pekeng “lapad” din ang nadiskubre nitong nakaraang buwan lamang, patuloy pa ding iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

Mag-ingat ang lahat, kung may mga ganito kayong pagkakataong maharap maaring ipagbigay-alam lamang sa mga pulis anumang impormasyon na pwedeng makatulong sa pagtunton kung sinuman ang nasa likod nito.

https://www.youtube.com/watch?v=uOdnyYl1Jsg

Source: ANN News

Isang “public bath” nabiktima ng pekeng “lapad”
To Top