General

JAL at ANA mamimigay ng libreng flights at special deals ngayong 2020!

Ang Japan National Tourism Organization (JNTO) ay naglunsad ng isang campaign na tinawag na ” Your Japan 2020″ kung saan ay may promising  offers at experience para makahikayat ng mas maraming international visitors para makita ang gandang Japan.

Bilang paghahanda sa paparating na Olympic at Paralympic Games na gaganapin sa Tokyo ngayong summer, inaasahang ang taong ito ay mapupuno ng selebrasyon at kagalakan para sa lahat sa kabila ng kinakaharap ng bansa.

Ang kampanyang ito ay napagkasunduan upang maibahagi sa mga international visitors ang exclusive at di malilimutang mga karanasan at deals saan mang sulok ng bansa, kasama na ang limited public openings, mga events na eksklusibo para lamang sa taong ito, magagandang deals sa domestic travel, at malalaking diskwento sa mga pamilihan sa buong Japan.

Pahayag ni Yoko Tanaka , JNTO Sydney Office Executive Director,bilang tagapagsalita ng organisasyon, ” bilang dagdag sa world-class sporting events sa 2020, Nais ng Japan na masiyahan ang mga inaasahang panauhin mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.Dahil sa kampanyang ito, at sa tingin namin na makakadagdag ito para isang karanasang di malilimutan ng mga panauhin upang mas lalong makahikayat ng mas maraming turista sa taong ito.”

Ilan sa mga napakagandang offer ng kampanyang ito ay kinabibilangan ng 2 major flight companies, Japan Airlines (JAL) at All Nippon Airways.

JAL: 100,000 libreng tickets sa domestic flights

Inanunsyo ng Japan Airlines na mamimigay sila ng 100,000 libreng sakay sa domestic flights sa kanilang kampanya na ” Win a Trip with Jal.” Ang deal na ito ay pinahihintulutan ang mga visitors na makagamit ng JAL’s Dokokani Mile (Go Anywhere) system, kung saan bibigyan ka ng ticket na may sorpresang Japanese Destination na ipapaalam sa iyo ilang araw matapos mong mag-apply. Nag-umpisa na ang offer na ito noong nakaraang buwan ng Pebrero sa mga piling flights na aalis at lalapag sa Tokyo’s Haneda Airport, o Osaka’s Itami at Kansai Airports na maaaring gamitin in between July 1 hanggang September 30,2020.

Upang makasali sa offer na ito, ang lalahok ay kinakailangang:

— Miyembro ng JAL Mileage Bank

— nakatira sa ibang bansa at hindi residente ng japan ( pwede ang mga japanese nationals na may residency abroad)

— nasa Japan mula July hanggang September 2020.

ANA: Flights sa Tohoku region sa halagang 2020 yen.

Ang kampanya naman ng All Nippon Airways ay pinangalanang ” ANA Discover JAPAN Fare” na kung saan ang kumpanya ay nagdesisyon na ang halaga ng tiket ay ibababa sa halagang 2020yen ( maaring magbago depende sa foreign exchange rate) para sa domestic flights papunta at pabalik sa Tohoku region para sa mga turistang bibisita sa Japan sa panahon ng Olympics. Dahil sa great deal na ito aabot hanggang 80% ang masasave mula sa regular fare sa paglilibot sa major cities sa buong Japan. Ang routes na kabilang rito ay dapat lilipad at lalapag mula sa Aomori, Odate-Noshiro, Akita, Shonai, Sendai o Fukushima airports.

Makakatipid kayo kung sakaling isama nyo na ang pagbili ng domestic flight tickets sa international flights!

Palalawigin ng ANA ang offer na ito na pwedeng ma-avail sa ilang travel packages mula UK, France, Germany at Australian travel agency website. Ang mapipiling domestic route ay available sa halagang 2020 yen kapag sinabay sa pagbili ng international flights.

Iba pang airlines:

Bilang karagdagan sa offer ng JAL at ANA, ang domestic airlines tulad ng, Peach Aviation Ltd. at Spring Airlines Japan ay parehong may exclusive deals para sa taong 2020. Kabilang dito ang trips sa snow resorts, cruise tours sa Japan’s coastline, pagbisita sa hidden gems tulad ng Totsukawa at Sado, overnight stay sa isa sa mga castle ng Japan at iba pang tours kung saan outstanding ang ganda at multiple experiences sa food and drink fairs sa taong ito.

Dahil sa napakaraming offer na pwedeng pagpilian upang masigurong ikatutuwa ito ng mga dadalong turista sa buong Japan, inaasahan ng JNTO na ang taong 2020 ay magiging matagumpay!

Source/credits to: JapanToday

 

To Top