JAL at ANA: Nagbawas ng hanggang 90% ng international flights sa Golden week
Ang Golden Week ay papalapit na at dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus sa buong mundo labis na naaapektuhan ang mga flights dahil dito. Ang ANA at Japan Airlines ay nagpahayag ng isang anunsyo patungkol sa pagbabawas sa mga internasyonal na flights, lalo na mula sa North America at Europa, sa pagitan ng katapusan ng Abril at Mayo, kasama ang panahon ng Golden Week. Binawasan ng ANA na aabot sa 3,323 na flights mula ika-25 ngayong buwan hanggang kalagitnaan ng Mayo, at binawasan rin ng Japan Airlines ng 4,568 ang flights mula Mayo 1 hanggang sa katapusan, kasama na ang zero flights sa Hawaii, Guam at Australia. Sa bawat kaso, ang mga flights ay nabawasan ng higit sa 90% mula sa plano ng operasyon. Ang Golden Week ay karaniwang isang abalang panahon, ngunit ang parehong mga kumpanya ay kailangang bawasan ang kanilang mga flight dahil “ang demand para sa paglalakbay ay sobrang mababa dahil sa mga travel bans at lockdowns”.
Source: ANN News