General

JAL Cabin Crew nagpositibo sa new coronavirus

Dalawang bagong tao na naman sa Tokyo at Kanagawa ang namatay dahil sa new coronavirus. Samantala, inihayag ng Japan Airlines noong March 9 na ang isang flight attendant na babae ay nahawahan ng new coronavirus. Ang babae ay nagtatrabaho habang nakasuot ng mask at gloves. Inihayag ng Japan Airlines na ang isang babae sa kanyang 50’s na flight attendant na nakatira sa Chiba Prefecture ay nahawahan ng bagong coronavirus. Ang babae ay nagkaroon ng sintomas noong ika-24 ng nakaraang buwan, ngunit nang sumunod na araw, siya ay nasa isang flight mula sa Chicago patungong Narita, may suot na mask at gloves.

Labindalawang cabin attendants sa parehong flight ay tinukoy na naging close contact, at pinayuhang manatili lamang sa kaniyang bahay hanggang sa  matapos ang buwan na ito, ngunit walang mga malapit na contact ito sa mga pasahero. Ang isang bagong uri ng coronavirus na tila hindi magtatapos sa pagkalat ng impeksyon. Tungkol naman sa dalawang bagong kaso ng namatay. Ang kasarian at edad ay hindi isinapubliko. Sa Tokyo, ang mga kalalakihan sa kanilang 90’s ay mas mataas ang tyansa na mamatay dahil sa virus, at ang bilang ng mga nahawaang tao sa Japan ay bumaba sa 15 kabilang ang mga barkong pang-cruise. Sa Hokkaido, pitong mga bagong kaso ang nakumpirma noong ika-9, na nagdala ng kabuuang bilang ng mga nahawaang tao sa Hokkaido na umabot sa 108 katao. Sa ilalim ng nasabing mga pangyayari, napag-alaman na ang mga kalalakihan sa kanilang edad na 20’s na nahawahan sa Yamanashi Prefecture ay at risk na na magkaroon ng meningitis na syang magiging kauna-unahang pagkakataon sa Japan. Ito ay isang uri ng coronavirus na hindi pa nakukumpirma. Ang lalaking nagkaroon nito ay hindi pa nagkakamalay hanggang sa kasalukuyang oras.

https://youtu.be/F0v01jNRVho

Source: ANN News

To Top