Japan, Binalaan ang China Tungkol sa Umano’y mga Police Station sa Ibang mga Bansa
Sinabi ng gobyerno ng Japan na binalaan nito ang China kaugnay ng mga ulat na maaaring nagtayo ang Beijing ng mga istasyon ng pulisya sa ibang mga bansa sa isang maliwanag na hangarin upang bigyan ng pressure sa mga Chinese resident sa mga lugar na iyon.
Iniulat ng mga overseas media outlet na ang China ay nagtatag ng mga local police station sa ilang mga bansa sa Europa.
Upper House member of the opposition Sanseito party na si Kamiya Sohei, ang nagsumite ng nakasulat na tanong sa gobyerno na nagtatanong kung nilayon nitong humingi ng paliwanag mula sa China sa posibilidad ng mga naturang aktibidad sa Japan. Tinanong din niya kung gagawa ito ng mga kinakailangang hakbang.
Inaprubahan ng gobyerno ang isang nakasulat na tugon sa isang Cabinet meeting nitong Biyernes. Sinabi nito na inabisuhan ng gobyerno ang China sa pamamagitan ng mga diplomatic channel na kung magsagawa ang Beijing ng anumang aktibidad na lumalabag sa sovereignty ng Japan, hinding-hindi sila ito-tolerate.
Sinabi rin ng gobyerno na magpapatuloy ito sa pangangalap at analyze relevant information at tutugon nang naaangkop.