Japan braces for october price shock
Mahigit 3,000 pagkain at inumin sa Japan ang magmamahal sa Oktubre habang patuloy na nagpapabigat sa mga pamilya ang mahinang yen at mas mahal na packaging dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon sa Teikoku Databank, 3,153 produkto ang tataas matapos ang 4,965 item noong Setyembre.
Umabot na sa 20,187 ang mga produktong nagmahal o nakatakdang magmahal ngayong 2026. Nangunguna ang mga inumin na may 1,399 item, kasunod ang seasonings na 820 at processed food na 668.
Tataas din ang presyo sa mga restawran, pasyalan, kuryente at gas. Itataas ng Torikizoku ang presyo mula ¥390 sa ¥410, habang magmamahal ang pinakamataas na entrance fee sa Tokyo Disney Resort. Ang dagdag sa singil sa kuryente ay maaaring umabot sa ¥1,578 para sa karaniwang household.
SOURCE: KYODO / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
