Japan fines 2,000 cyclists in just 30 days
Naglabas ang Japan ng mahigit 2,100 multa laban sa mga siklista sa loob lamang ng isang buwan. Kinumpirma ng National Police Agency na 2,147 traffic citations ang ipinataw sa buong bansa noong Abril, ang unang buwan ng pagpapatupad ng bagong traffic rules para sa mga bisikleta.
Ang sistema, na nagsimula noong Abril 1, ay gumagamit ng tinatawag na “blue tickets” para sa 113 uri ng traffic violations na maaaring gawin ng mga siklistang may edad 16 pataas.
Ang pinakamaraming paglabag ay ang hindi pagsunod sa stop sign, na may 846 kaso. Pumangalawa naman ang paggamit ng smartphone habang nagbibisikleta, na nagtala ng 713 violations. Mayroon ding 298 multa dahil sa hindi pagsunod sa traffic signals.
Bukod sa mga multa, mahigit 135,000 warnings at guidance notices ang ibinigay sa parehong panahon. Karaniwang warning muna ang natatanggap ng first-time offenders, habang direktang minumulta ang mga paulit-ulit na lumalabag.
Inamin ng ahensya na marami pa ring siklista ang nahihirapang unawain ang mga bagong regulasyon at inanunsyo nito ang pagpapatuloy ng public awareness campaigns tungkol sa bicycle safety at traffic rules.
Source: NHK
