Japan Flu Cases Cross Warning Threshold Again
By
Posted on
Muling lumampas sa antas ng babala ang trangkaso sa Japan matapos ang tatlong linggo. Ayon sa Ministry of Health, umabot sa 10.26 ang karaniwang bilang ng kaso bawat pasilidad medikal sa linggong nagtapos noong ika-1, mula sa 9.49 noong nakaraang linggo. Nasa 10 ang pamantayan para sa babala. Humigit-kumulang 3,000 pasilidad ang nag-ulat.
Pinakamataas ang bilang sa Ehime, na may 27.89 kaso bawat pasilidad, kasunod ang Hokkaido na may 21.90 at Iwate na may 17.17.
Sa buong bansa, 2,451 paaralan at iba pang institusyon ang pansamantalang nagsara o nagsuspinde ng ilang klase. Nanawagan ang ministeryo na magsuot ng mask at maghugas ng kamay upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon.
Source: TBS News Dig / Larawan: Illustrative Photo
