Food

Japan Food Management during World War 2

Japan Food Management

Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang food security ng bansang Japan ay sadyang isa sa napakapait na yugto sa kanilang makulay at mapanghamong kasaysayan. Nakaranas ang kanilang mamamayan ng malawakang tag-gutom at malnutrisyon. Dahil dito, napilitan ang pamahalaan na subukan ang larangan ng importasyon upang agarang matugunan ang lumalalng suliranin na ito. Halos one-fifth ng kanilang kinakain ay galing sa labas ng bansa. Halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod: asin, asukal, soy beans at bigas. Ngunit ng mga panahong iyon, ang Japan ay nahirapan sa kanilang processes of adjustment sa larangan ng masiglang food production system kumpara sa mga British.

Japan Food Management Options

Ang Japan dumaan sa isang napakatinding pagsubok ng nagkaroon ng tinatawag na American submarine campaign noong 1943. Ang kanilang food import’s percentage ay bumaba ng husto. Ang kanilang mga huling isda ay dahan-dahang bumaba bunsod ng kakulangan ng mga bangka. Gayun din, ito rin ay bunga ng kakulangan  ng fuel supply.

Isda ang pangunahing pagkain ng mga Japanese noong Second World War. Sumadsad ang agricultural production ng bansa sapagkat lubhang apektado ang pagkukunan ng mga  pataba o fertilizers. Sa mga huling yugto ng digmaan, ang rural work force ng mga Hapon ay binubuo ng mga babae at bata. Dahil sa kakulangan ng pagkain, ang mga bata ay di na nakapag-aral. Sa halip, sila ay pinili upang maging kapakipapakinabang sa larangan ng agricultural sector.

Sinasabi rin na ang Japanese Government ay nagtayo ng mga communist kitchens at mga nurseries upang mas mapagtuunan ng pansin ang mga gawaing agrikultural. Nang matapos ang digmaan noong 1945, ang food rationing ng Japan ay binawasan ng 1,500 calories. Sa kasamaang palad, nasira ang transportation system ng Japan dahil sa strategic bombing campaign.

Food Shortage

Bago pa man maging maunlad ang Japan, pinakamalalang suliranin nito ay ang kakapusan sa pagkain. Ang  pangunahing mga pagkain ay kailangang imported mula sa iba’t ibang  lugar kahit na ang bansang ito ay may mabundok na topographical make up. Noong kasagsagan ng giyera, 10-15 porsiyento lamang ang nakalaan para sa pagtatanim. Sa kabuuan, ang Japan ay hindi sapat ang produksiyon para sa isang maayos na food supply. Ito ay dahil sa kawalan na sapat na kaalaman ukol sa modernization of agriculture.

Hindi lubusang mabigyan ng  karampatang solusyon ang suliraning ito, dahil sa malawakang militarisasyon na umiiral sa bansa. Sa konseptong ito, ang mga  lehitemong may-ari ng  lupa ay dapat na ipagkaloob ang kanilang  ari-arian sa mga magsasaka.

Paglipas ng mahabang panahon, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsilbing inspirasyon sa Japan upang magpatupad ng mga makatotohanang reporma tulad ng land reform.

Image source: theatlantic.com

To Top