Japan Gov’t Panel, Iminungkahi na Ibasura ang 100-day Remarriage Ban Para sa mga Kababaihan
Inirerekomenda ng government panel ng Japan noong Lunes na alisin ang kasalukuyang 100-araw na pagbabawal sa muling pag-aasawa para sa mga kababaihan pagkatapos ng diborsiyo, alinsunod sa pagbasura sa isang siglo na probisyon ng Civil Code na tumutukoy sa legal paternity.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga kababaihan lamang ang nahaharap sa 100-araw na waiting time upang muling magpakasal pagkatapos ng diborsiyo. Ang mga kritiko ay naghahanap ng review sa sinasabi nilang outdated at discriminatory rules sa muling pag-aasawa at legal paternity.
Kasunod ng recommendation ng Justice Ministry’s Legislative Council kay Justice Minister Yoshihisa Furukawa, nilalayon na ngayon ng gobyerno na ipasa ang iminungkahing proposed landmark sa 1898 Civil Code na posibleng sa fiscal 2022, na magtatapos sa Marso sa susunod na taon.
Nakasaad sa Civil Code na ang isang batang ipinanganak within 300 days pagkatapos ng diborsyo ng ina ay ituturing na anak ng kanyang dating asawa, habang ang isang sanggol na ipinanganak within 200 days ng kasal ay ituturing na anak ng kasalukuyang asawa.
Ang probisyong ito ay inilagay upang protektahan ang kapakanan ng bata sa pamamagitan ng mabilis na pagtukoy sa legal na ama ng bata.
Habang ang probisyon sa legal paternity na tumutukoy sa “within 300 days of divorce” ay mananatiling buo, ang mga iminungkahing pagbabago ng panel ay magbibigay ng exemption sa mga kaso kung saan ang isang babae ay nag-asawang muli sa oras na siya ay nanganak. Sa ganitong mga kaso, ang kanyang anak ay makikilala bilang anak ng kanyang kasalukuyang asawa.
Sa ilalim ng kasalukuyang probisyon, ang mga paghahabol para sa legal paternity ng former at current husband ay magkakapatong kung ang babae ay muling mag-asawa pagkatapos ng diborsiyo at manganak pagkatapos ng 201 araw o hanggang 300 araw.
Dahil hindi na magkakapatong ang mga naturang claim, pagkatapos gawin ang mga pagbabago, aalisin din ang 100-araw na pagbabawal sa muling pag-aasawa sa mga kababaihan.
Ang kasalukuyang probisyon sa legal paternity ay pangunahing nasuri upang pigilan ang dumaraming bilang ng mga bata na walang rehistro ng pamilya, na naglalagay sa kanila sa kawalan sa paggamit na saklaw ng health services at iba pang serbisyo.
Sa 825 na indibidwal na walang family registry noong Enero ng taong ito, humigit-kumulang 70 percent constituted cases kung saan ang mga ina ay hindi nagsumite ng mga birth notification dahil sa kasalukuyang legal paternity rule, ayon sa ministry.
Maraming kababaihan ang nagpasyang huwag magsumite ng notification of the birth ng kanilang anak kasama ang kanilang current partner, ito ay upang maiwasang makilala ng kanilang dating asawa bilang legal father ng bata.
Ang ilan sa kanila ay tumakas mula sa domestic violence ng kanilang mga dating asawa o nasa ilalim pa rin ng divorce proceedings, ngunit nagbuntis sa kanilang mga current partner.
Kasama rin sa mga proposed amendment sa Civil Code ang pagbibigay ng karapatan sa ina at anak na magsampa ng court arbitration upang i-deny ang presumed legal right sa kanyang dating asawa. Sa kasalukuyan, tanging ang asawang lalaki lamang ang pinapayagang gumawa nito ngunit may mga kaso kung saan ang pagkuha ng kanyang cooperation ay nagpapatunay na ito ay mahirap.