Immigration

Japan hikes immigration fees in october

Inaprubahan ng gobyerno ng Japan nitong Martes ang ordinansang magtataas sa bayarin ng mga dayuhan para sa pag-renew o pagpapalit ng residence status, mula sa kasalukuyang ¥6,000 hanggang ¥75,000, simula Oktubre.

Para sa personal na aplikasyon, magiging ¥10,000 ang bayad para sa hanggang tatlong buwan, ¥33,000 para sa isang taon, ¥64,000 para sa tatlo hanggang wala pang limang taon, at ¥75,000 para sa limang taon pataas.

Ang aplikasyon para sa permanent residence ay magiging ¥200,000, mula sa dating ¥10,000. Kasama ang pagtaas sa binagong immigration and refugee recognition law na ipinromulga noong Mayo. Pinalawak din ang saklaw ng mga maaaring makatanggap ng reduced fees batay sa mga komento ng publiko.

Source: Jiji Press

To Top