Japan imposes tuberculosis measures for foreign nationals

Simula ngayong Lunes (23), nagsimulang ipatupad ng pamahalaan ng Japan ang obligasyong sumailalim sa pagsusuri para sa tuberculosis (TB) ang mga dayuhang nais manatili sa bansa nang mahigit sa tatlong buwan. Ang panuntunang ito ay unang ipinatutupad sa mga mamamayan ng Pilipinas at Nepal, at inaasahang lalawak sa Vietnam sa Setyembre, kasunod ang Indonesia, Myanmar, at China.
Ayon sa Ministry of Health, Labour and Welfare ng Japan, dumarami ang mga dayuhang nasusuring may TB sa bansa, karamihan ay mula sa anim na nabanggit na bansa.
Ang bagong patakaran ay sumasaklaw sa mga indibidwal na karaniwang naninirahan sa Pilipinas at Nepal at nagnanais na manirahan sa Japan nang pangmatagalan. Kailangan nilang magpakita ng patunay bago dumating sa Japan na sila ay hindi infected ng TB. Kung hindi, maaaring hindi sila papasukin sa bansa.
Source: Kyodo
