News

Japan installs physical barrier to prevent wrong-way driving

Naglagay ang Japan ng bagong pisikal na babala sa mga highway upang alertuhan ang mga drayber na nagmamaneho sa maling direksiyon. Kapag tama ang direksiyon ng sasakyan, lumulubog ang mga blade sa kalsada para makadaan ito nang maayos. Kapag sumalungat sa daloy ng trapiko, hindi lumulubog ang mga ito at nagdudulot ng malakas na pagyanig bilang babala.

Ayon sa NEXCO Central Japan, 297 insidente ng pagmamaneho sa maling direksiyon ang naitala sa mga highway ng bansa noong nakaraang taon; 64 dito ay nauwi sa aksidente. Palalawakin ang paglalagay ng mga blade sa mga lugar na mataas ang panganib, kabilang ang walong interchange na may magkakapantay na sangandaan sa tatlong prefecture ng Tokai.

Source / Larawan: Tokai Tv 
To Top