Events

Japan: Ipagbabawal na ang pagbebenta ng mga brand new na “Fuel only Vehicles” sa taong 2030

Ipagbabawal na ng Japan ang pagbebenta ng mga bagong kotse na pinapatakbo ng gasolina sa kalagitnaan ng 2030’s ayon sa isang source.

Inaasahan na magtatakda ang pamahalaang sentral ng mga bagong regulasyon upang makamit ang layunin nitong net zero carbon emissions sa taong 2050.

Ang economy ministry ay magsasagawa ng pagpupulong ng mga dalubhasa at mga namumuno sa industriya ng sasakyan simula sa Disyembre 10 upang talakayin ang bagong target, na isasama sa draft na plano ng gobyerno sa pagtatapos ng taon.

Ipagbabawal sa nasabing bagong plano ang pagbebenta ng mga bagong sasakyan na pinapatakbo ng gasolina sa domestic market at nililimitahan ang mga benta ng mga bagong kotse sa mga wala o may low exhaust emissions, tulad ng mga de-kuryenteng sasakyan at mga hybrid na kotse.

Tinalakay ng mga opisyal ang pagpapataw ng mas mahigpit na mga regulasyon sa pagkonsumo ng gasolina at pagbibigay ng mga subsidiya ng sasakyan sa mga tagagawa at tax breaks upang mahikayat ang mga ito sa direksyon  ng pagmamanupaktura ng mga kotse na hindi naglalabas ng carbon dioxide.

Halos 60 porsyento ng mga bagong kotse na ipinagbibili sa merkado ng Hapon noong 2019 ay mga sasakyang ginagamitan lamang ng gasolina.

Nagtatakda ang gobyerno ng isang layunin na bawasan ang bilang sa pagitan ng 30 at 50 porsyento bago ang 2030, at taasan ang porsyento ng mga susunod na henerasyon na sasakyan sa merkado hanggang 50 hanggang 70 porsyento.

Pinili ng gobyerno ang mabagal na approach upang makamit ang target goal para sa zero carbon emission sa taong 2050 habang  isinasaalang-alang ang sitwasyon para sa maliliit at midsize domestic manufactures na gumagawa ng mga piyesa ng automotive para sa mga kotse na may gasolina.

Ngunit hindi na nito maaaring balewalain na mas mahigpit na diskarte ang kinakailangan upang makamit ang zero-emissions na layunin.

Halos ikalimang bahagi ng mga emisyon ng carbon dioxide sa Japan ang nauugnay sa transportasyon, kabilang ang nagmumula sa tambutso ng kotse.

Ang ilang mga bansa sa Europa at iba pang mga bahagi ng mundo ay nagtakda na din ng mga petsa para sa pagbabawal ng pagbebenta ng mga bagong hybrid na kotse. Dahil ang mga Japanese automaker ay may kalamangan sa pagmamanupaktura ng mga hybrid na sasakyan, magpapatuloy ang gobyerno na payagan ang mga benta ng mga bagong hybrid na kotse.

SOURCE: ASAHI SHIMBUN,

CTTO

To Top