General

JAPAN ISASAMA ANG MY NUMBER SYSTEM SA MGA SMARTPHONES

Ang Japanese government ay nagdesisyong isama ang My Number System sa mga smartphones, nais nilang samantalahin ang pagkakataong magamit ang biometric authentication function nito upang makilala ang isang tao sa pamamagitan ng facial or finger print recognition ng mga device.
Ang meeting ay ginanap sa tahanan ng Prime Minister Shinzo Abe na dinaluhan naman ng mga sekretarya, ministro at iba pang private sector experts upang pagusapan ang higit sa 30 approved items na naglalayon upang mas mapabuti ang paggamit ng wasto ng My number sa Japan.
Kung ang My Number ay nakarehistro na sa smartphone ng user at nanaisin nitong magpalit kung sakali ng address sa city hall automatikong lahat ng data nito tulad ng sa bangko at telephone company ay mapapalitan na.
Ang gobyerno ay kinakailangang gumawa ng isang batas na nagrerequire sa mga citizens na magrehistro ng isang bank account gamit ang My number upang doon na mismo ihuhulog at matatanggap ang mga ayuda. Ang ayudang 10lapad sa ibang lugar ay natatagalan na maipamahagi dahil sa data processing at verification. Kung ang bawat citizen ay nakarehistro gamit ang My number, mas mapapabilis nito ang proseso.
Ang Japanese government ay maghahanda ng schedule ngayong taon upang isaalang alang ang mas kapak-pakinabang na item upang mas praktikal para sa lahat.
Source: NHK News

To Top