Japan keeps gas prices near ¥170
By
Posted on
Inihayag ni Prime Minister Sanae Takaichi nitong Martes (25) na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Japan ang subsidy upang mapanatili sa humigit-kumulang ¥170 kada litro ang presyo ng regular gasoline sa buong bansa.
Noong Agosto 17, nasa ¥169.8 kada litro ang national average. Ayon kay Takaichi, nananatiling hindi tiyak ang sitwasyon sa Middle East kaya mahirap hulaan ang magiging galaw ng presyo ng crude oil.
Gagamit ang gobyerno ng reserve funds para maprotektahan ang kabuhayan ng publiko at maiwasan ang epekto sa ekonomiya. Inatasan din ang mga ministro ng Economy at Finance na tiyakin ang kinakailangang pondo.
Source: FNN Prime Online
