Japan launches new COVID vaccinations
Nagsimula noong Oktubre 1 sa Japan ang taunang pagbabakuna laban sa COVID-19 na may subsidiya mula sa pamahalaan. Sakop nito ang mga edad 65 pataas at mga taong 60 hanggang 64 na may malubhang karamdaman. Maaari silang tumanggap ng isang dosis hanggang Marso 2027.
Umaabot sa ¥15,000 hanggang ¥20,000 ang halaga ng bakuna, ngunit sasagutin ng mga lokal na pamahalaan ang bahagi ng gastos. Dahil magkakaiba ang subsidiya, mag-iiba rin ang halagang babayaran ng bawat residente.
Limang uri ng bakuna ang gagamitin upang makatulong na maiwasan ang malubhang sintomas mula sa kasalukuyang dominanteng variant. Noong 2025, nakapagtala ang Japan ng 21,497 pagkamatay dahil sa COVID-19. Sa bilang na ito, 97% ay mga edad 65 pataas. Mariing inirerekomenda ng mga samahang medikal ang pagpapabakuna.
SOURCE: YOMIURI SHIMBUN/ LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
