Japan, Magbubukas Muli sa mga International Cruise Ship
Inihayag ng gobyerno ng Japan na plano nitong muling buksan ang mga daungan nito sa mga international cruise ship alinsunod sa pagpapagaan ng mga border control para sa mga inbound tourist.
Sinabi ng tourism ministry na papayagan nito ang mga vessel hangga’t sumusunod sila sa guidelines na ginawa ng isang industry group sa mga hakbang upang maiwasan ang mga coronavirus infection at mga tugon sa mga outbreak.
Kung ang suspected cases ay nangyari sa isang barko, ang mga crew ay magsasagawa ng mga necessary testing at isolation measures at mag-ulat sa mga quarantine official bago dumaong ang barko.
Ang mga cruise ship na nagta-travel internationally ay hindi nakadaong sa Japan mula nang dumating ang isang sasakyang pandagat na may mga infected passenger sa Yokohama, malapit sa Tokyo, noong Pebrero 2020.
Nagtagal ang mga Procedure at manpower noon, habang ang mga quarantine official ay sumakay sa barko pagkatapos itong dumaong upang kumpirmahin ang mga sintomas ng mga pasahero.
Sinabi ng Tourism minister na si Saito Tetsuo sa mga mamamahayag noong Martes na umaasa siyang susundin ng mga businesses ang mga alituntunin upang ligtas na matamasa ng mga tao ang kanilang experience sa paglalakbay sa Japan.
Sinabi ng ministry na ang isang cruise ship ay nakatakdang umalis sa Yokohama sa susunod na buwan at babalik sa Enero.