Japan, Magpapatupad ng Pagbabawal sa mga New Foreign Arrivals
Ang Japan ay muling magpapatupad ng pagbabawal sa mga new foreign arrivals. Tiniyak ng gobyerno ang desisyon dahil sa Omicron variant ng coronavirus, isang potensyal na nakakahawang strain na unang nakita sa South Africa.
Ang mga Foreign students, mga negosyante at mga technical trainees na umaasa sa mga kamakailang pinaluwag na kontrol sa hangganan ay mukhang nakatakdang maghintay ng hindi bababa sa isa pang buwan.
Sinabi ni Punong Ministro Kishida Fumio, “Nagpasya akong maglagay ng mga paghihigpit sa pagpasok para sa mga dayuhan mula sa buong mundo simula sa Martes, bilang isang emergency measure. Nilalayon naming maiwasan ang pinakamasamang sitwasyon na mangyayari sa bansang ito.”
Tinawag ni Kishida na Pansamantalang hakbang. Sinabi rin niya na nagsusuri ang mga opisyal upang makita kung ang isang manlalakbay mula sa Namibia ay maaaring nahawahan ng variant.
Ang gobyerno ay naghihigpit sa mga residenteng umuuwi mula sa mahigit 40 bansa, kabilang ang mga bahagi ng Africa at Europe.
Dapat na silang manatili sa mga itinalagang pasilidad nang hanggang 10 araw sa pagdating.
Inuri ng National Institute of Infectious Diseases ng Japan ang Omicron bilang isang “variant of concern” at nanawagan sa mga residente na manatiling mapagbantay.