Japan, Nagpapatupad ng Batas upang Maglunsad ng Bagong Ahensya Harapin ang mga Isyu ng mga Bata
Ang parlyamento ng Japan noong Miyerkules ay nagpatupad ng batas upang mag-set up ng isang bagong ahensya ng gobyerno na mangangasiwa sa mga patakarang may kaugnayan sa mga bata habang sinusubukan ng bansa na harapin ang mas kumplikadong mga isyu tulad ng child abuse.
Ang bagong organisasyon, na inaasahang tatawaging “children and families agency,” ay ilulunsad sa Abril 2023. Pag-iisahin nito ang mga patakaran sa multiple government ministries at entities ng gobyerno upang mas mahusay na harapin ang mga napipintong isyu tungkol sa mga bata, tulad ng declining birth rates, child poverty at sex crimes.
Nangako si Prime Minister Fumio Kishida na “dodoblehin” ang budget na kinakailangan para sa mga hakbang upang harapin ang mga problema nang hindi nagpapaliwanag.
Ang mga isyu na may kaugnayan sa edukasyon at paaralan, kabilang ang bullying, ay patuloy na hahawakan ng education ministry.
Ang bagong ahensya ay magkakaroon ng higit sa 300 opisyal, kabilang ang mga na-recruit mula sa mga private associations na experto sa pagpapalaki ng bata.
Ang minister in charge sa ahensya ay bibigyan ng awtoridad na himukin ang ibang mga government office na gumawa ng mga corrective measure kung ang kanilang mga policy ay itinuring na hindi epektibo.
Sa karagdagan, ang isang new advisory panel to the prime minister ay itatayo upang talakayin ang mga isyu tulad ng pagiging magulang, support for expectant and nursing mothers at pagprotekta sa mga karapatan ng mga bata.
Ang batas para sa pagtatayo ng ahensya ay inaprubahan ng Kapulungan ng mga Konsehal noong Miyerkules matapos maipasa ang Kapulungan ng mga Kinatawan noong Mayo.