Economy

Japan, Nakatakdang Paluwagin ang Nakaplanong Electricity Bill Hike para sa mga Kabahayan

Magsasagawa ang Japan ng mga hakbang upang mapagaan ang pasanin ng inaasahang pagtaas ng 2,000 yen hanggang 3,000 yen bawat buwan sa singil sa kuryente para sa mga kabahayan sa susunod na tagsibol, sinabi ng economy minister na si Yasutoshi Nishimura nitong Biyernes.

Ang mga hakbang ay mapapaloob sa isang new economic package na bubuoin ng gobyerno later this month.

“We are discussing measures to directly lighten the burden (of consumers) in which they can actually feel the benefit (of the scheme),” sinabi ng minister of economy, trade and industry sa mga mamamahayag.

Nagsusumikap ang gobyerno na tugunan ang accelerating inflation kabilang ang pagtaas ng presyo ng enerhiya sa pamamagitan ng package.

Ang pagbagsak ng yen laban sa US dollar sa pinakamababang antas nito sa loob ng 32 taon ay nagpalala sa sitwasyon para sa Japan, isang bansang lubos na umaasa sa pag-import ng mga essential material at kalakal, sa pamamagitan ng pagpapalaki ng mga import cost.

Tungkol sa suporta kaugnay ng pagtaas ng presyo ng gas, idinagdag ni Nishimura na ang gobyerno ay tumitingin sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang na balanse sa mga singil sa kuryente.

Samantala, inihayag ni Nishimura na magho-host ang Japan ng pulong ng mga climate, energy and environment ministers mula sa Group of Seven industrialized na mga bansa sa Abril 15 at 16 sa Sapporo, ang kabisera ng Hokkaido.

“We would like to lead discussions at the G7 to advance global green transformation and ensure energy security, aiming for realizing decarbonization and economic growth at the same time,” aniya.

Papalitan ng Japan ang G7 presidency mula sa Germany sa susunod na taon, na may nakatakdang summit sa Mayo 19-21 sa Hiroshima.

To Top