Sinimulan ng Japan at Pilipinas ang negosasyon para sa posibleng export ng Japanese surface-to-ship missiles sa bansang Southeast Asian. Inanunsyo ito nitong Linggo ng Japanese Defense Minister na si Shinjiro Koizumi matapos ang pulong nila ni Gilberto Teodoro sa Singapore.
Kabilang sa mga equipment na pinag-aaralan ang Type-88 guided missiles, na kasalukuyang ginagamit ng Japan Ground Self-Defense Force. Ayon sa ulat, lalong naging interesado ang Pilipinas matapos ang partisipasyon ng Japan sa Balikatan military exercises na isinagawa sa Manila mula Abril hanggang Mayo ngayong taon.
Mahigpit na mino-monitor ng Pilipinas ang kakayahan ng mga Japanese defense systems habang pinapalakas nito ang sariling military capabilities sa gitna ng tumitinding tensyon sa Indo-Pacific region.
Ang partisipasyon ng Japan Self-Defense Forces sa military exercises ay isinagawa sa pinakamalaking antas sa kasaysayan matapos magkabisa ang Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Japan at Pilipinas noong Setyembre 2025. Pinalawak ng kasunduan ang military cooperation ng dalawang bansa at nagbukas ng daan para sa mga bagong hakbang sa seguridad at depensa.