News

Japan-Philippines Agricultural Partnerships Part 3

Japan-Philippines Agricultural Partnerships

Sa pagtatapos ng seryeng ito, ang Japan-Philippines Agricultural Partnerships ay nakatakdang alisin ang tinatawag na mga duties at mga quotas sa mga piling agricultural products tulad ng saging at pinya. Ang batas sa kasunduang ito ay nakasaad sa pangkalahatang review ng Philippine-Japan Economic Partnership Agreement.

Ayon sa isang panayam kay Trade Assistant Secretary Ceferino S. Rodolfo noong nakaraang taon, ang pangunahing pagtutuunan ng pansin ng kanilang ahensiya ay ang mabilis at madaling access sa mga agricultural products patungo sa bansang Japan. Ang Pilipinas naman ay gumawa ng mga epektibo at mabisang mekanismo para sa breaching of agricultural quotas na naaayon sa batas at mga polisiya ng bilateral economic partnership sa pagitan ng dalawang bansang ito.

Bilateral Agricultural Agreement

Ang bilateral agricultural agreement na ito ay nag-uutos na anumang mga produkto ang ineexport ng Pilipinas sa Japan ay mayroong mga sari-sariling preferential rates. Subalit, sa dami ng mga demands o pangangailangan sa mga lokal na produkto, ito ay lalong tumataas. Katunayan, ang mga export volumes ang siyang naging dahilan upang magkaroon ng breach of quotas policy.

Ang gobyerno naman ay gagawa rin ng mga positibong hakbang upang ang Japan-Philippines Agricultural Partnerships ay lalong mapagsilbihan ang interes ng mga mamamayan lalo na ang mga uliran at masisipag na magsasaka. Nakatakdang maglagay ng mga kategorya.ang bawat pamahalaan upang gawing agaran ang paggalaw ng mga natural persons sa pagitan ng dalawang magkaratig bansa, Halimbawa nito ay ang mga nurse at caregivers.

Inaasahan ni Trade Assistant Rodolfo na matatapos ang review bago ang panunungkulan ng susunod na administrasyon. Si Trade Secretary Gregory L. Dominguez naman ay inaasahan ang isang lobbying mula sa Japan upang maging mas marami pa ang mga probisyon para sa export ng kanilang mga paninda at serbisyo patungong Pilipinas.

Japan-Philippines Economic Partnership Agreement

Ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement o JPEPA ay opisyal na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo noong Setyembre 9, 2006. Kasamang lumagda rito si dating Japan Prime Minister Junichiro Koizumi. Ito ay niratipikahan noong 2008 ng Senado dito sa Pilipinas.

Layunin ng ng Philippine-Japan Economic Partnership Agreement na madagdagan ang mga investment opportunities, trade liberalization, pagpapalakas ng proteksiyon ukol Intellectual Property Rights at marami pang iba sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

image source: allacronyms.com

To Top