Health

Japan, Pinapayagan ang mga Indibidwal na Magpasya kung Magsusuot ng mga Anti-Coronavirus Mask

Pinagaan ng apanese government ang coronavirus mask-wearing guidelines noong Lunes, na pinababayaan ang mga indibidwal na magpasya kung maglalagay ng mga panakip sa mukha.

Ngunit pinananatili ng gobyerno ang rekomendasyon nito na ang mga tao ay magsuot ng mask sa mga okasyon, tulad ng pagbisita sa mga medical institution at paggamit sa crowded na mga bus o tren.

Sinabi ng gobyerno na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa mga senior citizen at iba pang may mataas na panganib na magkaroon ng malubhang sintomas.

Plano ng gobyerno na gamitin ang social media, mga patalastas sa TV at iba pang mga pamamaraan upang ipaliwanag kung kailan at saan dapat isaalang-alang ng mga tao ang pagsusuot ng mask.

Sinuri ng mga Industry organization ang kanilang mga alituntunin laban sa impeksyon dahil sa pagbabago. Humigit-kumulang 80 porsiyento sa kanila ang nagsabing nagpasya silang payagan ang bawat negosyo na magtakda ng kanilang sariling mask rules.

Sa ilalim ng five-tier scale ng Japan para sa mga nakakahawang sakit, ang COVID-19 ay kasalukuyang inuri bilang equivalent to category two — ang second most severe level.

Ida-downgrade ito ng gobyerno sa category five, ang pinakamababa at kapareho ng seasonal influenza, sa Mayo 8.

To Top