Japan posibleng mapasama sa travel ban ng Pilipinas
MANILA- Posible raw maisama ang Japan sa Manila Travel ban depende sa ilalabas na bagong criteria na pagbabasehan ng Philippine inter-agency task force patungkol sa bagong coronavirus o mas kilala sa tawag na COVID-19.
“Depende, kung ito’y pumasok,” ayon sa panayam ng radio DZMM noong huwebes kay Health Secretary Francisco Duque III.
“Kung pasok [ang Japan sa criteria], posible,” sa ni Duque. “Magde-decision ang task force.”
Ayon pa sa health chief ang isa sa mga unang criteria ng IATF’s para sa isang bansa na masama sa travel ban ay ang sitwasyon ng local transmission ng COVID-19 sa isang bansa. Ang isa pa ay depende sa dami ng travellers sa bansa.
Mayroon ng humigit-kumulang 186 na kaso ng nahawahan na kung saan mayroon ng 8 namatay kasama na ang 4 na nasawi dahil sa impeksyon sa cruise ship na nakadaong sa Yokohama.
Noong Miyerkules, binan na ng Pilipinas ang mga pinoy sa paboritong pasyalan ng mga pinoy sa South Korea bilang proteksyon laban sa COVID-19 na mabilis na kumakalat sa East Asian nation.
Sumang-ayon naman si Presidential spokesman Salvador Panelo na dapat ang mga travelers na magmumula sa South Korean province ng North Gyeongsang ay pagbabawalang pumasok sa pilipinas.
Gagawa naman ng risk assessment ng sitwasyon sa ibang parte ng South Korea para ma-analyze kung kinakailangan pang i-expand pa ang travel ban, dagdag pa ni Panelo.
Source: Abs-cbn