Nagdulot man ng mga madidilim na karanasan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Japan at buong mundo, ang bansang ito ay di tumigil sa paghahangad ng political supremacy noong mga panahong iyon. Paano nga ba ito nangyari? Halina’t balikan ang mga pahina ng kasaysayan.
Japan Pre and Post World War 2
Ito ay nagsimula nung sinalakay ng Japan ang Manchuria noong September 18, 1931. Ito ay sa pangunguna ng Gwandong Army. Ang pangkat na ito ay masinsinang binuo upang kanilang buong lakas na pakawalan ang kanilang military and political forces na nagbunsod upang magkaroon ng Pearl Harbor attack.
Manchuria Crisis
Samantala, sinubok ng Manchurian Crisis ang katatagan ng Japan sa pagpananatili ng kanyang composure upang tugunan ang iba’t-ibang isyu pulitikal. Isa na rito ang napabalitang walk out ng Japanese delegates sa League of Nations noong 1933.
Ang Japan ay nagsilbing aggressor ng China. Dahil dito, siya ay naging isang isolated Asian country. Ang Japan ay gumawa ng isang puppet state na kung tawagin ay Manchukuo.
Gayun man, ang di pagkakaunawaan ng China at Japan ay hindi pa rin lubusang natuldukan. Muling sumiklab ang minor war sa pagitan ng dalawang bansa na kapwa uhaw sa kapangyarihan at pagtatagumpay. Ito ay naganap sa makasaysayang Marco Polo.
Historic China Incident
Ang tinaguriang China Incident at ang pagkakaroon ng New Order sa East Asia noong 1938, ay lubhang nadaig ang military thinking ng Japan sa di inaaasahang pagkakataon hanggang 1940. Sa kabilang dako, ang makapanyarihang political machinery ng Japan ay muling nakabawi sa pamamagitan ng Declaration of the Greater East Asia Company Prosperity Sphere.
Sa kabuuan, ang hindi malilimutang pangyayaring ito ay nagbigay ng pambihirang pagkakataon sa Japan upang magkaroon ng malawakang expansion ang Japanese Empire sa Southeast Asia. Kasunod nito, ang Meiji Restoration ay di na rin nagtagal.
Meiji Restoration
Ang Meiji Restoration sa bansa ay ang pagsisimula ng modernisasyon at ang walang katapusang paghahangad ng yaman, kapangyarihan at karangalan upang bigyang katarungan ang pagkakaroon ng di pantay pantay na mga treaties na siya namang iniatang sa balikat ng Japan ng mga bansang kabilang sa western powers.
Matapos ang humigit kumulang tatlong taon, ang political supremacy ng Japan ay muling namayagpag ng siya ay magwagi sa 1904 5 Ruso Japanese War na lubos na nagdulot ng pagkamangha sa buong Western World.
Image from apjjf.org